caronia, caronia
ikabufini, manigura
puntang makati, manigura
caronia, caronia
confucius says...it's caronia
CHICKEN!!!
BATTLE OF THE BRAINLESS
****************************
Host: Sino ang pambansnag bayani ng Pilipinas? Ang initials niya ay J.R.
Team A: Jeric Raval?!
Host: Mali! Doctor yun!
Team B: Doctor Jeric Raval?
Host: Hinde, patay na siya!
Team A: The late Doctor Jeric Raval!!
HOST: anong sagot sa 2+3? nagsisimula ito sa letter F
CONTESTANT A: four?
HOST: hindi, mas mataas diyan ng kaunti
CONTESTANT B: (in a higher voice) four?
Q: Ano ang national tree of the Philippines?
Clue: Nagsisimula ang pangalan niya sa letrang "N" (Narra).
A: Niyog.
Q: Mas matigas pa diyan.
A: (In a strong-sounding voice) Niyog!
******************
BAHAW, kaning lamig ay wag itapon........
******************
q: old mc donald had a _______
carmina: farm!
q: okey, spell farm!
carmina: huh? eh.... e-i-e-i-o
Ano ang pambansang ibon ng Pilipinas?
Answer: Kwago.
Hindi letter "M" simula...
Answer: Manok?
Hindi! BROWN siya!
Answer: Piniritong manokkkk?
Hindi! Ang last letter niya ay "A"...
Answer: Piniritong Manoka?
MALIIT lang siya!
Answer: Maliit na piniritong manoka!
Hindi, mas maliit pa diyan.
Answer: Maggi chicken cube
******************
Gee, your hair smells like fresh flowers picked from the mountains of Laguna last April 27, 1984
(Spoof ng Gee, your hair smells terrific ahihihi)
******************
Q: Anong pangalan ng bagong grupong mangsasayaw. Ang initial ay UMD, at kumakanta pa sila. (Universal Motion Dancer)
A: United Merikan Diki-diki
Q: Hindi, maraming kababaihan at mga syoke na naghihimatayan
A: Ut and Mouth Disease
Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill?
Clue: Ang initials niya ay "N-A"(Ninoy Aquino).
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay "Y".
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati siyang naging Senador
A: The former Senator Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na siya!
A: Patay na pala si Nora Aunor? . . .
Q: Sino and nakapatay kay Magellan? Ang initial ay L-L
A: Lito Lapid
Q: Hindi, inuulit ang pangalan nito!
A: Lito-lito lapid-lapid
Q: Hindi, konti lang ang letra ng pangalan niya
A: Lot-lot
Q: Hindi, mas marami pa dito ang titik niya
A: Lot-lot and friends
Q: Ano ang tawag ng tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Clue: "L" ang simula ng pangalan niya (Lifeguard).
A: Lifebuoy.
Q: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng taong ito.
A: Safeguard.
Q: Hindi, pero makukuha mo ang pangalan nito pag pinagsama mo ang dalawang sagot mo.
A: Safe boy
Q: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
A: Si Mr. Clean.
Q: Saan binaril si Dr Jose P. Rizal?
Clue: "B" ang simula (Bagumbayan)
A: Sa back?
Q: O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta).
A: Sa likod?
Q: Hindi pa rin. Para mas madali, gamitin natin ang kaniyang modern name - "RP" (Rizal Park).
A: Sa rear part
Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo.
Clue: Nagsisimula sa letrang "B" (Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon, naaarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na, marami kang makikita na mga babaeng nakabikini.
A: Ahhhh! beerhouse!
Question: Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Clue: Starts with the letter "S" - Go!!! (correct answer: salbabida)
Ateneo: (linalapit ang bibig sa mike) Sirena.
Host: Hindi! Hindi ito babae.
San Beda: Siyokoy.
host: Hinde!! Hinde ito Lalake!
La Salle: Siyoke.
Q: Anong hayop sa dagat ang may walong tentacles?
Clue: Ang pangalan niya ay nagsimula sa "Octo" (Octopus).
A: October.
Q: Hindi, walo nga ang tentacles nito.
A: Octo-walo.
Q: Hindi pa rin. Ang hayop na ito ay walang spine at malambot ang katawan.
A: Octoarts Dancer.
Q: Hindi, nagtatapos sa "s" ang pangalan nito.
A: Octoarts Dancers.
Q: Hindi pa rin.
A: Octomechanix
Q: What is the National Flower of the Philippines?
Clue: It starts with the letter "S" (Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binibenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: sitsarong bulaklak!
Q: Hindi pa rin. Ang ending niya ay letrang "A".
A: Sitsarong bulaklak na may suka!
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa letrang "S", nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A: Si Sharon Cuneta
Oh! I'm sorry, ang tamang sagot ay SUNFLOWER
Q: Sino ang kaunaunahang chess grandmaster of Asia? Clue: Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene Torre).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa "King".
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido niya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin. Mas mababa pa sa "Reyna".
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa "Bishop".
A: Johnny Midnight (Knight).
Q: Mas mababa pa sa "Knight".
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan na ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
A: Sylvia la Torre
Q: Anong pambansang hayop ng pilipinas?
Ang initial ay "K"(sagot=Kalabaw)
A: Kambing
Q: Hindi, itim ang kulay ng hayop na ito.
A: Kuto
Q: Hindi, itong hayop na ito ay nasa lupa
A: Kutong lupa
Q: Dugtungan ang mga sumusunod na pangungusap (fill in the blank) "You're nothing but a second rate, trying hard, copy ____". Clue, start with the letter "C" go!
A: Cuneta. "You're nothing but a second rate, trying hard, copy Cuneta".
Q: Hinde, madalas ito ang dahilan sa ang mga bata ay nagkakasakit dahil sa kanyang mga balahibo.
A: Corikong. "You're nothing but a second rate, trying hard, copy Corikong".
Q: Hinde sabi, Madalas ay pagala-gala sa mga kalye at sa kalsada.
A: Cop. "You're nothing but a second rate, trying hard, copy Cop".
Q: Hinde, ito'y madalas hinahabol ng aso.
A: Cartero. "You're nothing but a second rate, trying hard, copy Cartero".
Si Gary Valenciano ay kilala rin bilang ______ V.
FLYING V!
Mali, buhay ito.
Ah, BUMBLE V!
Mali pa rin, tao siya.
Ah, ATE V!
Mali pa rin, pangalan ito ng lalaki.
Ah alam ko na, MICHAEL V!
Oh! I'm sorry, ang tamang sagot ay VOLTES V